Kinilala ng Building Lives for Better Future (BLBF) Philippines Foundation at Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamumuno ni Gobernador Amado I. Espino III ang limang kumpanya na naging kaakibat ng laawigan sa pagbibigay ng oportunidad sa trabaho sa mga nangangailangang Pangasinense ngayong pandemya.
Sa ginanap ng Prolific Employer Awards ngayong Hunyo 25 sa Capitol Resort Hotel, ginawad ang parangal sa mga sumusunod: Archer Manpower Services, Inc. (AMSI); EEI Corporation; Maxim De Humana International, Inc; Option Plus Services and Trading Corp.; at Sutherland Philippines.
Ayon sa Provincial Employment Services Office (PESO), malaki ang naging ambag ng mga pinarangalang kumpanya sa pagbibigay ng trabaho sa kabila ng pandemyang COVID-19 na layunin ng Abig Pangasinan socio-economic program ng Pangasinan kung kaya naman nararapat lamang na sila ay kilalanin at maging ehemplo sa iba pang kumpanya.
Nanguna sa programa sina: BLBF Foundation Founding Chairman Jose Q. Chan Jr., Second District Board Member Haidee Pacheco, PESO Manager Alex F. Ferrer at iba-ibang kumatawan sa mga awardees.
 
/SMDC (Photos by Ken Soriano)
SOURCE: https://www.facebook.com/media/set?vanity=amadopogiespino&set=a.570172354464475