60 indibidwal nagtapos sa 5-araw pagsasanay ng BEPAT sa Lingayen
Nagtapos sa limang araw na pagsasanay sa Basic Electronic Products Assembly and Troubleshooting (BEPAT) ang 60 indibiwal ngayong araw, Nobyembre 29 sa Poblacion Central School sa Lingayen.
   
Kabilang sila sa huling batch ngayong taon na nagsipagtapos sa Pangasinan Modified Mobile Skills Training Project (MSTP) na isinasagawa ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Amado I. Espino III sa pamamagitan ng Provincial Employment Services Office (PESO) at Pangasinan Technical Education Skills Development Authority (TESDA).
 
Simula ng ilunsad ang programa noong September 2017, mayroong 3,118 indibidwal na ang bilang ng nagsipagtapos sa MSTP at kabilang dito ang may kabuuang 416 indibidwal na nagsipagtapos sa BEPAT na inilunsad naman noong Hunyo 2021.
Ayon kay PESO Labor and Employment Officer Rachel Jose, ang pagbibigay ng libreng skills training sa mga Pangasinense ay isa sa adhikain ng pamahalaang panlalawigan at isa itong malaking oportunidad para matulungan ang mga Pangasinense na magkaroon ng kasanayan na kanilang magagamit sa paghahanap ng trabaho.
Nakatanggap certificates at tig-P2,000 na financial assistance ang mga nagsipagtapos bilang pandagdag sa kanilang kakailanganin o mga gastusin sa kanilang paghahanap ng trabaho.
 
Bilang kinatawan ni Gob. Espino, inihayag ni Board Member Nestor “Nikiboy” Reyes na naiintindihan ng Provincial Government ang pangangailangan ng mga Pangasinense at hindi titigil ang pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Gob. Espino upang mapabuti ang kalagayan ng bawat sector sa probinsya.
Dumalo rin sa programa si Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil, Supervising Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Specialist Ronald Sta. Ana, Barangay Captain Jonathan Ramos, Poblacion Central School Principal Zenaida Cruz at mga teaching and nonteaching personnel ng paaralan.
 
/Wilhelmina Rosario (Photos by Cris Daniel Mendoza and PESO)